Ang 'paglalambingan' nga ba sa kama ay maaring maging sanhi ng UTI? ALAMIN!

Warning: May mga tinatalakay na s3ksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.




Idinulog sa isang programa sa DZMM ng isang internist ang kadalasang tanong sa kaniya ng pasyente tungkol sa urinary tract infection (UTI).

Malimit kasing isinasangguni ng ibang pasyente kung bakit tila nagkakaroon sila ng UTI matapos makipagt alik.

"Kapag sila daw ay nagme-make love mag-asawa, ayan parang masakit umihi, day after, or within 24 hours, or even after two days," paliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kadalasang paglalarawan ng mga nakararanas ng UTI.


Ayon kay Marquez, hindi naman ibig sabihing magkakaroon agad ng UTI kapag nakipagtalik.


Pero mas madalas magkaroon ng UTI ang mga babae dahil na rin sa anatomy o hubog ng ari ng kababaihan.



"Mas maraming nagkakaroon ng urogenital infection, or UTI, ang babae dahil doon sa anatomy niya," ani Marquez. "Ang vulva is siyempre, mayroong tatlong butas diyan.


Nandiyan 'yong urethra, 'yong labasan ng ihi; nandiyan 'yong tinatawag na v@ ginal hole na siyempre 'yan po ang v@ ginal canal, na diyan po dumadaan ang menstruation; ang isa pang butas na malapit diyan ay 'yong a.nu$, kung saan lumalabas ang [dumi]."

Dagdag ni Marquez, dahil magkakalapit ang mga naturang butas, mas lumalaki ang tiyansang maisalin ang bacteria na maaaring makuha habang nagtatalik.

"If you have poor hygiene, could be cause ng infection, ng urogenital infection, ng urinary tract infection," sabi ni Marquez. "You are prone to have bacterial infection especially kung poor hygiene."

Payo ng doktor, ugaliing maglinis ng katawan matapos makipagtalik. Dapat ding tiyaking huhugasan ang pribadong parte ng katawan.




Makatutulong din daw kung iihi pagkatapos ng pagniniig.


"OK daw ba na pagkatapos ng pakikipagtalik, ay [umihi] kaagad. Studies have shown, that could help [combat UTI]," ani Marquez.

Sabi rin ni Marquez, para matiyak na hindi mahahawaan ng anumang sakit o s3 xually transmitted infection ang katalik, dapat iwasan ang casual sex o ang pakikipagniig sa iba-iba at higit sa isang partner.

Share this: