Viral ngayon ang post ng isang netizen na si Jaevelene B. Bendecido mula sa Basud, Malilipot, Albay dahil sa karumal-dumal na krimeng kanyang nasaksihan.
Ayon kay Jaevelene, isang 12-anyos dalagita ang nakitang nakahandusay sa likuran ng isang sementeryo, tulay papuntang simbahan kaninang 10:00 ng umaga.
Hinihinala at may posibilidad na napagsamantalahan o ni-r*pe ang dalagita dahil noong natagpuan siya ng mga tao, napansin ng mga ito na nakababa na ang kanyang suot na pang-ibaba.
Ayon pa sa isang post ng isang netizen, nagpaalam daw ang dalagitang ito sa kanyang magulang na magsisimbang gabi ito noong 3:30 ng madaling araw.
Sa kabutihang palad, buhay ang biktima at nagtamo ng sugat sa ulo at katawan. Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang dalaga.